Translate

Tuesday, January 22, 2013

Tipikal na Pasko :)


Ano nga ba ang isang tipikal na Pasko sa tulad naming mga OFW?

Hindi lahat ng OFW ay malayang nakakapagdiwang ng Pasko. Kaming mga andito sa Jordan ay isa marahil sa mga pinalad.

Sa umaga, pagsisimba ang una sa aming listahan. Isa ang Pasko sa mga araw na talaga namang punong puno ang simbahan. Puno hindi lamang ng tao, naguumapaw din ng saya at lungkot.

Saya dahil kahit malayo sa pamilya ay may mga kababayang pwedeng makasama, saya dahil pinayagan ng among lumabas at magdiwang, marami din kasi ang hindi napapayagang magdiwang dahil karamihan ng amo ay iba ang relihiyon. Makikita sa bawat ngiti ang galak, sa bawat bati ang saya.

Lungkot dahil malayo sa mga minamahal sa buhay, pero sabi nga we have to make do of what we have. Malungkot na ginugunita ang mga nagdaang Pasko na nasa sariling bansa kapiling ang pamilya at lahat nangangarap na sana sa susunod na pasko ay kapiling na sila.

At kahit saan hindi pahuhuli ang mga Pinoy sa kantahan. At kapag sinimulan ng kantahin ang malulumbay na himig Pasko, makikita mo na isa isa na din nagpapahid ng luha ang karamihan. Pero balik ang ngiti kapag sinimulan ng kantahin ang mga pamaskong kantang nakalakihan na natin. Sabay sabay kumakanta, may napapaindak na, at pumapalakpak.

Pagkatapos ng misa, ang iba ay uuwi na, ay iba naman ay may konting salo-salo sa kanya kanyang "Sunday House".

Malungkot. Masaya. Yan ang Pasko namin.















No comments:

Post a Comment